dala ng stress sa finals and lack of sleep
nagpapanic na ako a few minutes ago kasi hindi ko talaga mabuksan email ko. as in paulit-ulit ko na tlga sya sinusubukan pero ayaw pa rin. ung password, mali daw.
ginawa ko, irreset ko sana. pro kelangan ko daw sagutin ung secret question. at dahil nalimutan ko na ang laman ng memory chapter ng cog and gen psy book, hindi ko sya maalala. hindi pala pwedeng basta-basta nlng mgreset.
kaya naisip ko wala na akong choice. kelangan ko na gumawa ng bagong account. pro ayoko. kontento na kasi ako sa account ko na un. masaya ako dun.
dahil dyan, imbis na mg-aral ng expe, sinubukan kong hanapan ng paraan. at naisip ko, na kahit anong mangyari, hahanapan ko un ng solusyon. hindi kasi ako bumibitaw nlng ng ganun ganun lang.
after much thought.. nagkaroon ako ng malaking realization.
pinalitan ko nga pala ang password ko, kani-kanina lang.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home