can't sleep
hindi ako makatulog. at nalulungkot ako.
this is what i hate about nights. may long quiz sa chem bukas, wala pa akong alam. 3 am na. but even necessity doesn't make you pay attention. may ibang gustong asikasuhin ung utak ko.
parang ayoko na ata. parang kaya ko namang wala. parang okay na to. parang masaya na ako dito.
puro parang. nawawala lng ung "parang" sa umaga. kapag kailangan niyang mawala, kapag pinipilit siyang alisin kasi hindi ako mag-isa. kasi may mga kaibigan ako, kasi kelangan kong gumalaw sa mundo kahit ayoko.
ayoko ng gabi.
- kasi nahihirapan akong matulog kahit sobrang pagod na ko
- kasi madami akong naiisip na ayoko namang isipin
- kasi wala nang takas
- kasi wala nang magagawa kung di tanggapin
si kate, may 3 points. change of lungs, change of liver, change of heart. planado.
hindi ko ata kaya gumawa ng ganun ngayon. kasi ngayon, lht ng plano ko hanggang bukas lng. kaya ganito nlng.
bukas papasok ako, masaya. manonood ako ng sportsfest. may laban ang tugon. baka mglaro ako ng volleyball.
bukas uuwi ako, masaya. pagod, pro masaya.
bukas makakatulog na ako nang maayos.
bukas hindi na ako malulungkot.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home