napaisip lang ako
ayoko na mag-isip. marami kasi nddulot ang pag-iisip e. sakit sa ulo, sa puso, sa lahat lahat na. nakakainis na nga minsan. nag-iisip ka kasi may alam ka at may hindi ka alam. ganun din sa pagtatanong.
pero kung alam mo na ung sagot sa itatanong mo, bakit mo pa tatanungin? kasi, hindi ka kontento sa sagot na nkuha mo. may kulang. may nawawala. may gusto ka pang malaman.
gustong gusto kong intindihin lahat. lahat-lahat nang sasabihin at ibibigay sa akin. pero naisip ko, walang kwentang gustuhin na intindihin ang isang bagay, kung hindi niya gustong magpaintindi. wala. walang kwenta. sayang sa pagod. sayang sa hirap. sayang sa oras.
pero pinipilit ko pa rin? bakit?
kasi alam ko, na hindi ko magagawang mahalin ang isang bagay sa lubos ng aking makakaya, kung hindi ko ito naiintindihan.
kaya sana, hyaan mo na akong intindihin ka. magpaintindi ka.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home